 |
SEARCH |
 |
 |
 |
 |
 |
AKSYON AGAD PROGRAMS |
 |
|
|
MARKET
DEVELOPMENT |
|
|
|
TRAFFIC
FREE CITY |
|
|
|
GARBAGE FREE
CITY |
|
|
|
1O MINUTO
SERBISYO |
|
 |
 |
 |
 |
GARBAGE-FREE CITY
ADVISORY |
 |
| |
KOLEKSYON
NG BASURA:
6:00 AM – 7:00 AM
6:00 PM – 7:00 PM
MULTA SA PAGLALABAS NG
BASURA SA DI - ITINAKDANG ORAS NG KOLEKSYON:
UNANG PAGLABAG -
P200.00
IKALAWANG PAGLABAG –
P1,000.00
IKATLONG PAGLABAG –
P2,500.00
(ITO ANG NAKATAKDA SA
CITY ORDINANCE NO. 8 O "AN ORDINANCE PROMULGATING RULES AND RERGULATIONS ON
SEGREGATION AND PROPER DISPOSAL OF SOLID WASTES BY COMMERCIAL, MARKET, SCHOOL,
BUSINESS ESTABLISHMENTS, OTHER PUBLIC AND PRIVATE INSTITUTIONS, PUBLIC
CONVEYANCES AND ALL HOUSEHOLDS IN THE CITY OF CALAPAN")
ANG LAHAT NG
PAMPUBLIKONG SASAKYAN TULAD NG TRICYCLE, MULTICAB, JEEPNEYS AT BUS AY DAPAT NA
MAYROONG BASURAHAN SA LOOB NG SASAKYAN. PAGMUMULTAHIN NG PAMAHALAANG LUNGSOD ANG
DRIVER NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAHUHULING WALANG BASURAHAN. ANG DRIVER DIN
ANG PAGMUMULTAHIN KAPAG NAHULING NAGTAPON NG BASURA SA KALSADA ANG KANYANG
PASAHERO.
MULTA SA PAGSUSUNOG NG BASURA, PAGKAKALAT O PAGTATAPON NG ANUMANG URI NG BASURA
(HALIMBAWA:
BALAT NG KENDI, UPOS NG SIGARILYO, BALAT NG ANUMANG URI NG PAGKAIN, PINAGBALUTAN
NG ANUMANG URI NG PRODUKTO):
UNANG PAGLABAG –
P200.00
IKALAWANG PAGLABAG –
P1,000.00
IKATLONG PAGLABAG –
P2,500.00
MULTA SA PAGSUSUNOG NG BASURA –
P300.00
(ANG NAHULING NAGKALAT
AY PAGWAWALISIN NG KALSADA, PAGLILINISIN NG PALENGKE O KAYA AY PASASAMAHIN SA
PAGHAHAKOT NG BASURA KAPAG HINDI NAGBAYAD NG MGA NABANGGIT NA MULTA.)
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
| |
 |
|
 |
 |
 |
| |
|
|
|
|
 |
|
|
| |
Calapan gagawing ‘Garbage-Free City’
released: Sept. 27, 2007
source: CIO Calapan City
Sa Aksyon Agad Program na isinusulong ng Administrasyong
Leachon, mahalagang sangkap ang serbisyong pangkalikasan. Bibigyan ng
bagong direksyon at katuparan ang mga programang magpapalakas ng turismo
at magbubunsod ng sustinidong kaunlaran ng lungsod calapan habang
iniingatan at pinangangalagaan ang kapaligiran at likas-yaman.
‘Garbage-Free City’ ang sagot ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon upang
pagsamasamahin ang pagsisikap ng bawat mamamayan, paglalatag ng malawakang
kampanya sa kalinisan, at maikintal sa isipan ng mga calapeño ang halaga
at epekto ng pagkakaisa kontra basura.
Ang ‘Garbage-Free City’ na pormal na ilulunsad sa unang 100 araw ng
panunungkulan at isa sa Aksyon Agad Program ni Mayor Leachon ay patuloy na
ipinatutupad sa pangunguna ni G. Wilfredo G. Landicho, hepe ng City
Environment and Natural Resources Department.
Ayon kay Landicho, pursigido ang Pamahalaang Lungsod na linisin ang buong
Calapan—ibig sabihin, maibalik sa lupa at mapakinabangan ang biodegradable
wastes at maibalik sa mga pabrika o ma-recycle ang mga basurang
non-biodegradable.
Matatandaan na pormal nang sinimulan sa 32 urban barangays ng lungsod ang
tinatawag na “solid waste segregation at source” o ang paghihiwalay ng mga
basurang bulok sa di-nabubulok mula pa lamang sa mga tahanang pinagmumulan
ng mga ito. Nagkaroon ng schedule ng pagkolekta ng nabubulok na basura
tuwing araw ng linggo, lunes, martes, huwebes at biyernes, 6:00 hanggang
7:00 ng umaga. Ang di-nabubulok na basura naman ay kinokolekta tuwing araw
ng miyerkules at sabado sa pareho ding oras na nabanggit.
Aniya, kawalan ng disiplina ng mga mamamayan mismo ng lungsod ang
pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay di pa rin ganap ang
tagumpay sa pagtugon sa problema sa basura sa lungsod.
Puspusan ang isinasagawang massive education and information campaign ng
mga kawani ng CENRD hinggil sa nasabing programa kaalinsabay ang
pagpapatibay ng Barangay Waste Management Council sa lungsod para sa
pag-oorganisa ng maayos at araw-araw na koleksyon ng basura, pagmimintina
at pag-pagpapagana ng materials recovery facility (MRF), composting, at
production ng organic fertilizer.
Batid ni Mayor Leachon na mahalaga ang epektibong solid waste management
mechanism kung kaya’t kasalukuyan pang pinag-aaralan ang mga taktika at
estratehiya upang matagumpay na maipatupad ang integrated solid waste
management program ng lungsod. Inaasahan na sa pamamagitan ng
‘Garbage-Free City’ patuloy na magiging maayos, malinis at luntian ang
lungsod ng Calapan.
|
|
| |
|
|
|