SEARCH
AKSYON AGAD PROGRAMS
 

MARKET DEVELOPMENT

 
 

TRAFFIC FREE CITY

 
 

GARBAGE FREE CITY

 
 

1O MINUTO SERBISYO

 
   
   
     
     
     
     
     

 

 

Transaksyon sa City Hall, 10 - minuto na lang

released: Sept. 27, 2007

source: CIO Calapan City


Mabilis, episyente at mahusay na serbisyo mula sa Pamahalaang Lungsod, batayan ng isang mahusay na pamamahala.

Ito ang kaisipan sa ilulunsad na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at ang isa sa mga "flagship programs" ng Administrasyong Leachon, ang Sampung Minutong Serbisyo sa City Hall Program. Nakatakdang ilunsad ito sa pagdiriwang ng unang 100 araw ng pamumuno ni City Mayor Doy C. Leachon.

Ang nasabing programa ay kapapalooban ng mga pagsasanay at paghahasa sa mga kawani ng bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod na nagbibigay ng mga batayang serbisyo o "frontline services." Ang mga frontline services employees ay sasailalim sa matinding pagsasanay para makapagbigay ng agaran, magalang at dekalidad na serbisyo sa mga Calapeņo. Susunod na dito ang pagkakaroon ng isang sistema na mas magpapabilis pa ng mga proseso sa loob ng Pamahalaang Lungsod. Maglalagay din ng mga flowcharts at mga organizational charts sa bawat departamento at mga opisina.

Noong mga nagdaang buwan ay sinimulang ayusin ng Administrasyong Leachon ang kalagayan ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod. Sunod-sunod ang mga pagsasanay na ipinagkaloob sa mga ito na sumesentro sa pagkikintal sa kanila ng propesyonalismo sa pagbibigay serbisyo sa tao. Ayon kay Dr. Rene Colocar, Executive Assistant IV at siyang kasalukuyang pangkalahatang tagapamahala ng programa, ang hakbang na ito ay isang magandang pamamaraan para maipakita sa mga Calapeņo na ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ay tunay at tapat sa kanila.

Sa ikalawang linggo ng Setyembre sisimulan ang "dry run" ng progama kung saan isasailalim na sa aktuwal na pagbibigay serbisyo sa loob ng itinakdang oras ang mga frontline services employees.

Inaasahan na sa pamamagitan ng ganitong programa, mas tatatag pa ang kumpyansa ng mga Calapeņo sa kanilang Pamahalaang Lungsod.