Meet the Vice Mayor

CA JOJO S. Perez

Karanasan Bilang Chief of Staff

 Nahirang bilang Chief of Staff ni City Mayor Carlos Brucal – January 01, 2006
- Tumulong sa pamahalaang Lungsod para ipatupad ang 8 point agenda ng Administrasyong Brucal.
- Isinaayos ang pagbibigay serbisyo sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga iba’t ibang corporate practices sa mga kawani ng iba’t ibang departamento.

 

Si Jojo Perez bilang City Administrator

Nahirang noong March 26, 2007
- Kasama si City Mayor Doy Leachon, isinakatuparan ang Aksyon Agad Peoples’s Agenda. Isang komprehensibong programa para sa pag-unlad ng lungsod.
- Sa kanyang tulong, ang Lungsod ng Calapan ay hinirang bilang isa sa mga Most Competitive Cities ng Pilipinas ng Asian Institute of Management noong 2008.
- Kasabay ng pagiging City Administrator, si CA Jojo ay hinirang din bilang:

1. City Cooperative Officer – namuno sa pagpapalakas ng mga kooperatiba sa lungsod.

2. Calapan City Anti-Drug Abuse Council Action Officer – bilang Anti-Drug Czar ng Calapan, ang Lungsod ng Calapan ay naging kauna-unahang drug free city sa Southern Luzon ayon sa PDEA.

3. Calapan City Athletic Association Tournament Chairman – sa kanyang pamumuno, ang CCAA ay naging pangunahing ligang pampalakasan ng mga kolehiyo at paaralan sa lungsod.

4. Calapan City Fiesta Executive Committee Chairman sa loob ng dalawang magkasunod na taon – sa kanyang tulong at inisyatiba, ang Sto. Niño de Calapan Festival ay inilunsad at naging premyadong festival tuwing kapistahan ng Calapan.

5. College Professor, City College of Calapan – sa unang semester ng City College of Calapan, isa si CA Perez sa mga unang nagturo sa nasabing dalubhasaan. Nakapagturo din siya sa Divine Word College of Calapan – Commerce Department.

Layuning marangal bilang Bise Alkalde sa Sangguniang Panlungsod:

a. Pag-aalis ng mga luma at hindi na napapanahong mga ordinansa.

b. Pagtatakda ng People’s Day sa Sangguniang Panlungsod kung saan maaring makapagdaupang palad ng mga mamamayan ang kanilang mga konsehales.

c.Pagpapasa ng ordinansa para sa pagbubuo ng City Anti-Poverty Commission na siyang tututok sa usapin ng kahirapan sa lungsod.

d.Pagkakaroon ng regular na barangay/community consultations ng Sangguniang Panlungsod para makuha ang pulso ng mga Calapeño sa mga ordinansang nais nilang maibatas.

e.Paglalapit sa Sangguniang Panlungsod ng malalayong barangay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sesyon sa mga malalayong pamayanan sa lungsod.

f.Pagsasabatas ng mga ordinansa na magbibigay proteksyon sa kalikasan.

g.Paglulunsad ng mga trainings at seminars para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan patungkol sa tama at epektibong pagbabalangkas ng ordinansa at resolusyon tungkol sa mga sumusunod na inisyatiba:

                  i.Nagkakaisang Calapeño

                  ii.Maligayang pamumuhay

                  iii.Ipagmalaki mo, Calapeño Ako.

                  iv.Mapagkalingang pamamahala.