| Calapan, host City ng unang Gov. Alfonso Umali, Jr. swimming competition |
|
|
|
|
Pamahalaang Lungsod, buo ang suporta
Ang gawaing ito ay isang joint-project ng PSL na pinamumunuan ni Gng. Susan Papa at ng Raging Paddlers of Mindoro na pinangangasiwaan naman ni Coach Randy “Baddy” Maulion. Ayon sa kanila, layunin ng kompetisyong ito na mabigyan ng magandang pagkakataon ang bawat kalahok na maipamalas ang kani-kanilang galing sa larangan ng paglangoy. Dagdag pa nila, nais din nilang himukin ang bawat kabataang may interes sa ganitong isports na lalo pang pagbutihin ang kanilang kakayahan hindi lamang upang magkamit ng maraming parangal at medalya kundi para na rin sa kanilang pansariling kagalingan. Nagpasiklaban sa iba’t-ibang kategorya tulad ng freestyle, butterfly, breaststroke at backstroke ang humigit-kumulang sa 18 swimming teams mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa gaya ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, National Capital Region (NCR), Ilocos Provinces, Olongapo City, Baguio City, Angeles City Pampanga, Bulacan at Davao City. Matapos ang umaatikabong pasiklaban ng bilis sa paglangoy, tinanghal na kapiyonato ang Ibalong Magayon Aqua Guilder Swim Club na tumanggap ng gintong medalya at tropeyo. Nasungkit naman ng Pinamalayan Swimming Team ang ikalawang puwesto at lumapag sa ikatlong puwesto ang Raging Paddlers of Mindoro. Samantala, ang Top 16 na nagwagi ay mapapabilang sa Second Sen. Nikki Coseteng Championship na gaganapin sa Rizal Memorial Swimming Complex sa May 19-20, 2012. |




Bunga ng mahusay na liderato at serbisyo-publiko ni Mayor Doy C. Leachon na siyang nagpaigting ng disiplina sa siyudad at nagpakilala sa Calapan bilang isa sa mga premyadong tourist destinations sa bansa, napili ang Lungsod upang pagdausan ng kauna-unahang Gov. Alfonso V. Umali, Jr. 2nd LEG Series ng Philippine Swimming League (Long Course) Swimming Competition. Ginanap ito sa Jose J. Leido Jr., Memorial National High School (JJLJMNHS) noong Abril 14.