| Trabaho sa Abroad, ipinagkaloob sa mga Calapeño |
|
|
|
|
Nakapag-recruit ang TIMSI ng mga Calapeño na handang maging domestic helpers sa Hong Kong. Naging mabilis ang daloy ng aktibidad na ito kung kaya’t maging ang examination at initial interview ay agaran ding naisagawa. Personal na nakapanayam ng mga aplikante ang mismong Hong Kong Principal Representative na si G. Ken Wong na siyang na ring sumagot sa kanilang mga katanungan. Kasama ni Wong ang coordinator at manager ng nasabing kumpanya na sina G. Froilan Gonzales at Bb. Lalaine Cases na naging kabalikat ng City PESO upang mapabilis ang pagtanggap ng papel ng mga aplikante. Ang mga nakuhang aplikante ay sasailalim na lamang sa medical examination bago tuluyang umalis upang magtrabaho sa Hongkong. |




Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga Calapeño upang makapagtabaho sa ibang bansa sa pakikipag-uganayan ng City Public Employment Service Office (PESO) sa Trends International Manpower Services Inc. (TIMSI) Nakapagsagawa ng isang recruitment activity ang nasabing kumpanya kasama ang PESO noong Abril 17 sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod, Brgy. Guinobatan, Calapan City.