| Proper Record Management Workshop sa Lungsod ng Calapan, Dinaluhan ng mga Kalihim ng Kooperatiba |
|
|
|
|
Sa pangunguna ng CCDO na kasalukuyang pinamumunuan ni Vice Mayor Jojo S. Perez na siya ring City Cooperative Officer, itinuon ang paglinang ng kaalaman ng mga nagsidalo sa pamamanihala ng mga dokumento ng kooperatiba o proper record management upang maayos na maitala ang lahat ng datos at impormasyon na kinakailangan. Ang dalawang araw na gawaing ito ay umikot sa tamang pagpoproseso ng mga dokumento at pagbabahigahan ng iba’t-ibang taktika o estratehiya upang mas mapabilis ang pagsasagawa ng kanilang mga trabaho sa sistematikong pamamaraan. Layunin ng aktibidad na magamay ng mga partisipante ang pasikot-sikot at iba’t-ibang aspekto ng pagtatala, mga panuntunan na dapat gamiting gabay sa paggawa at ang pagpapanatili sa kalidad at confidentiality ng mga dokumento ng kooperatiba. Dumalo ang 25 kalihim ng bawat kooperatiba sa lungsod kasama ang manager at ilang board of directors na mula sa iba’t-ibang sektor at pribadong ahensya. Nakiisa rin ang mga kasapi mula sa Leuteboro at Socorro Teachers Cooperative na naghahangad na mas mapaayos pa ang pagpapatakbo ng kanilang kooperatiba. Naging panauhing tagapagsalita sina Bb. Raquel Laurente at G. Alexis Dela Cruz na kapwa eksperyensyado pagdating sa mga ganitong gawain. Ang mga kooperatiba sa Calapan ay pangunahing tinututukan ng administrasyon ni Mayor Doy C. Leachon sapagkat ang mga grupong ito ay naghahatid ng ibayong kaunlaran hindi lamang sa syudad ngunit maging sa buong bansa. Kaya nga, sila rin ang pangunahing benepisyaro ng bagong lunsad na Kapag Disiplinado Aasenso Program (KDAP) kung saan pagkakalooban ng Php1,000,000 ang sinumang samahan na naging matagumpay at may kaayusan sa kanilang pinasok na negosyo. |




Dahil sa kagustuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na patuloy na linangin ang kasanayan ng mga opisyal ng kooperatiba, isa na namang Cooperative Workshop ang isinagawa sa muling pagtitipon ng mga sekretarya ng kooperatiba sa City Cooperative Development Office (CCDO), Mindoro Rescue Training Center sa Brgy. Camilmil noong Abril 18-19.