Saturday July 26, 2014

Click to Download Calapan Ngayon PDF file

news  CALAPAN NGAYON(2nd issue)

Pangangalaga sa kalikasan,  napapanitili ng mga paaralan

 

“Ang kalikasang tinatamasa at nakikita natin ngayon ay utang natin sa darating na henerasyon kaya naman responsibilidad natin na ito ay alagaan.” Ito ang naging pahayag ni City Mayor Arnan C. Panaligan sa ginanap na Awarding ng Quarterly

Winners para sa proyektong Most Productive, Cleanest & Greenest School.

Sa nasabing programa, layunin ni Mayor Panaligan ang pagkakaroon ng motivating environment para sa mga mag-aaral.

Sa pangunguna naman ni G. Willy Landicho, Head ng CENRD na punong abala at nakatalaga sa nasabing proyekto, hangad nila na mapangalagaan ang kapaligiran ng lungsod kasabay ang pagpapanatili ng kalinisan nito gayon din ang environmental protection and management na maigting na ninanais naman ni Mayor Arnan.

Nakuha ng Biga Elementary School ang Award para sa Small School Category, Sta. Isabel Elementary School sa Big School Category, at OMNHS naman para sa Secondary Division Category.

Ang bawat isang nanalo ay pinagkalooban ng cash incentive na nagkakahalaga ng Five Thousand Pesos (Php 5,000.00), Revolving Glass Plaque at Quarterly Revolving Tarpaulin.

Sa huli, hinamon naman ni Mayor Panaligan ang mga nanalo na panatilihin ang kaayusan at kahusayan nila upang ang titulong kanilang nakamit ay manatili sa kanila hanggang sa Annual Awarding. Hinimok din niya ang bawat mag-aaral na maging mabuting halimbawa sa iba ukol sa tamang pangangalaga ng ating kalikasan.

 

Top