Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

Safe Motherhood at Maternal Care Tampok sa Buntis Congress 2007

Posted 11/23/2007

source: CIO Calapan City

   

     Isang kongreso para sa mga buntis. Ito ang sagot ng City Health and Sanitation Department upang ipahayag ang Safe Motherhood na taunang ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan alinsunod sa itinakda ng nasyunal na Department of Health.

 

     Daang mga expectant mothers at kanilang mga asawa ang dumalo sa DWCC Gymnasium kung saan nagkaroon ang mga buntis ng pagkakataon para sa libreng seminar sa safe motherhood and maternal care.    

 

     Sa buong mundo, halos 585,000 kababaihan ang namamatay bawat taon mula sa komplikasyon ng pagdadalang-tao at panganganak. Mahigit 70% ng lahat ng maternal deaths ay dahil sa limang mayoryang komplikasyon: hemorrhage, infection, unsafe abortion, hypertensive disorders of pregnancy at obstructed labor. Ang kalakihan ng kamatayan- 61%- ay nagaganap sa postpartum period at higit sa kalahati nito ay nangyayari sa araw pagkatapos manganak.

     Sinasabing sanhi ng  kamatayan sa pagbubuntis at kapansanan ang malawak na isyung panlipunan, ekonomiko, at pangkultura na nakakaapekto sa kalusugan ng kababaihan at problemang pangnutrisyon bago at pagkatapos ng pagbubuntis, at kaakibat ng mababang antas ng serbisyong pangkulusugan para sa mga babae. Kasama na sa mga isyung ito ang di-sapat na edukasyon, mababang antas ng pamumuhay, at kawalan ng hanapbuhay. Importanteng matugunan ang mga isyung ito upang maiayos ang   maternal health sa pangmatagalan.