|
Alinsunod sa itinakda ng
Department of Health, ang City Health and Sanitation Department ay
nagpalabas ng vaccination team mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre
15 para sa isang buwang measles immunization campaign sa Lungsod
ng Calapan.
Ang pagbabakuna ay gagawin
door-to-door basis ng mga nurses at midwives sa lungsod. Ang
pagbabakuna ay gagawin din sa health centers, barangay halls at
barangay health clinics. Libreng pagbabakuna rin ang isasagawa sa
pampublikong ospital.
Bahagi pa rin ng Aksyon Agad Program ng pamunuan ni City
Mayor Doy Leachon, ang month-long period na ito ay upang masiguro
ang tagumpay ng programa. Bukod sa measles vaccines, magbibigay
din ng probisyon para sa Vitamin A supplement at de-worming
medicines.
Ayon naman kay Dr. Basilisa Llanto, City Health Officer, ang mga
estratehiya upang makamit ang mga hangaring ito ay base sa
proposal ng Pan American Health Organization para sa measles
elimination: initial catch-up mass immunization intervention para
sa mga bata may edad 9 buwan hanggang 14 taon at "follow-up"
campaign para sa mga bata 9 to 59 buwan kada 4-5 taon.
Bahagi ng
plano ng
pamahalaan na maalis ang tigdas sa taong 2008, mas maaga kesa sa
2012 target na itinakda ng World Health Organization (WHO) Western
Pacific Regional Office.
Sa kasalukuyan, may 500,000 kabataan sa Pilipinas ang hindi
nababakunahan laban sa tigdas taun-taon. Nangangahulugan lamang
ito na may malaking tyansa tayo ng measles outbreak.
Ang tigdas ang nananatiling una sa mga sanhi ng kamatayan
at kapansanan sa mga bata. Halos 20,000-30,000 pagkamatay kada
taon ang nangyayari sa Western Pacific Region dahil sa tigdas.
Ayon sa WHO, ang tigdas ay sanhi
ng virus na kabilang sa Paromyxovirus family.
Ang palatandaan ng rash o
mapupulang marka ay makikita 14 araw matapos ang impeksyon;
kumakalat ito mula ulo hanggang buong katawan sa loob ng tatlo
hanggang apat na araw.
Isa sa
lima
hanggang sampung kaso ng tigdas ang nagkakaroon ng ear infections,
diarrhea, o pneumonia. Isa sa 1000 kaso ang nakakakuha ng pamamaga
ng utak o encephalitis. |