Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

Mayor Doy Personal Na Inalam Ang Tunay Na Sitwasyon Ng Trapiko Sa Lungsod

Posted 10/25/2007

source: CIO Calapan City

   

    

     Upang alamin ang totoong sitwasyon ng daloy ng trapiko at kung talagang epektibo nga ang ipinatutupad na Traffic Free City Program sa Lungsod ng Calapan, personal na umikot sa kabayanan ng lungsod si City Mayor Doy C. Leachon sakay ng isang tricycle noong ika-15 ng Oktubre.

 

     “Gusto kong ako mismo ang makakita at makaranas ng aktuwal na daloy ng trapiko upang malaman ko kung ano ang mas nararapat na gawin sa pagsasaayos nito.” – banggit ni Mayor Doy. Ayon sa kanya, bagama’t may mangilan-ngilan na mga nagpaparating ng kanilang hindi pakakuntento sa mga pagbabagob, marami din naman aniya ang pumupuri sa bagong sistema sa trapiko na kanyang ipinatutupad sa pamamagitan ng Traffic Free City Program. Ayon sa kanyang mga nakakausap na mga konsernadong indibidwal, hindi lamang ng mga taga-Calapan ngunit pati ng mga taga-karatig bayan, higit na maluwag ngayon sa JP Rizal Street at mas malinis tingnan kumpara noong mga nakaraang taon. Ikinatuwa naman ito ng Punong Lungsod kung kaya’t lalong nadagdagan ang kanyang determinasyon na pag-igihin ang pagpapatupad ng programa sa trapiko.

 

      Oras de peligro ng umikot si Mayor Doy sa kabayanan kung kaya’t kitang-kita niya ang tunay na sitwasyon ng daloy ng trapiko. Agad naman siyang nakipag-ugnayan sa Aksyon Agad Traffic Management Unit na pinangungunahan ni G. Nelson Aboboto ukol sa kanyang mga obserbasyon. Ani G. Aboboto, patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga lansangan upang makita kung ano pa ang dapat ayusin o baguhin upang lalong maging epektibo ang programang ipinatutupad. Nais din ng pamunuang Leachon na kung aamiyendahan ang City Ordinance No. 96-08 ukol sa batas trapiko sa Calapan, masiguro muna kung ano ang mga dapat gawing pagbabago na angkop sa mga pangangailangan at kasalukuyang takbo ng buhay ng mga Calapeno.

 

      Nais ding iparating ni Mayor Doy sa mga mamamayan ng lungsod na bukas ang kanyang tanggapan sa anumang suhestiyon o komento ukol sa mga programang kanyang ipinatutupad. Batid aniya na hindi kakayanin mag-isa ng Pamahalaang Lungsod na gawing matagumpay ang implementasyon ng mga ito kung hindi makikipagtulungan ang mismong mga mamamayan ng syudad.