|
Matapos ang matagumpay na testing na isinagawa ng Philippine Rice
Research Institute sa 15 sites sa 12 probinsiya noong 2004 wet
season at 27 sites sa 14 probinsiya noong 2007 dry season,
inilunsad na ang komersyalisasyon ng Palaycheck System. Ang
PalayCheck System, sa kolaborasyon ng Food and Agriculture
Organization, ay isang dinamikong rice crop management system na
nagpapakita ng easy-to-follow practices sa paggamit ng quality
seeds, land preparation, crop establishment, water, nutrient,
pest, at harvest management activities upang makamit ang "key
checks" at mapaayos ang paggastos at pag-ani.
Ang techno-demo ng City Agricultural Services Department ay
nagsimula noong Mayo 9 kung saan ang unang batch ng dalawampung
farmer-participants mula Barangay Biga ang nagkumpara sa mga
pamamaraan ng pagsasaka sa mga natutunan sa pamamagitan ng
interaksyon, diskusyon upang masustina ang pagpapaayos ng
produksyon, pagkita at kaligtasan ng kalikasan. Nakatakdang
isagawa ang second batch ng farmer-participants sa Barangay
Comunal. Kinikilala ng Department of Agriculture ang lalawigan ng
Silangang Mindoro bilang pangalawa pagdating sa produksyon ng
bigas.
“Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ganitong technology
demonstration, ang ating mga magsasaka ay nakakasubok sa bagong
teknolohiya sa kanila mismong sakahan. Learning, checking, at
sharing best practices ang buod ng proyektong ito.” ayon kay City
Mayor Doy C. Leachon.
Sasanayin ng PhilRice ang mga eksperto mula sa Agricultural
Training Institute ng Department of Agriculture upang maiayos ang
kapasidad sa pagsasanay ng mga magsasaka sa mga lalawigan at local
na pamahalaan. Serye ng mga pagsasanay para sa mga espesyal na
grupo ang isasagawa tulad ng Rice Specialists’ Training Course (RSTC),
Training of Trainers (TOT), at Farmers’ Field School (FFS) upang
maging ganap ang implementasyon ng sistema.
“Patuloy ang pagsasaliksik ng inobasyon lalo’t higit sa
industriya ng bigasan upang maitaas ang inputs, mapalaki ang
produksyon, at maiangat ang kita ng mga magsasaka,” City
Agriculturist Carlos Domingo. Inaasahan na bunga ng PalayCheck
System, tataas ang ani ng mga Calapeñong magsasaka ng 160 kaban
kada isang ektarya.
Bilang rice integrated crop management (RICM) system, nakikita ng
PalayCheck na ang pagtatanim ng palay ay isang sistema ng
produksyon na binubuo ng mga bagay-bagay na may relasyon sa
kanilang paglago, pag-ani at kalidad ng butyl ng palay, at
sustinidad ng kapaligiran.
“Hinihikayat ng teknolohiya ang mga magsasaka na mapamahalaan ang
kanilang palayan ayon sa mga target sa pagsukat sa crop
performance at pag-aanalisa ng mga resulta, pagbibigay ng mga
standards tulad ng key check na magiging giya ng mga magsasaka sa
kung ano ang kanilang nais makamit, marekomenda kung paano makamit
ang key checks at pagtataya nito,” paliwanag ni Mr. Pat Andrew
Barrientos, ATI Director.
Ang farmers
field day and graduation program ay dinaluhan din nina Mr. Efren
Viado, DA Region IV-B Asst. Director; Mr. Epifanio Asi, Biga
Barangay Captain; Mr. Rodolfo V. Valdez, Provincial Agriculturist;
representante mula sa National Irrigation Authority; Mrs. Sally
Leido, Or. Mindoro APCO; at Mr. Virgil M. Cantos, Asst. City
Agriculturist. |