Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

Calapan Sisiguruhin Na Ligtas Sa Biglaang Sakuna Sa Pamamagitan Ng Isang Contingency Plan

Posted 10/25/2007

source: CIO Calapan City

        

     Upang masiguro na ligtas ang Lungsod ng Calapan sa anumang uri ng sakuna tulad ng pagbaha, lindol, tsunami, sunog, mga sakunang nilikha ng tao at iba pa, minabuti ni City Mayor Doy C. Leachon na tipunin ang lahat ng mga konserandong mamamayan sa lungsod upang bumuo ng isang Contingency Plan na inaasahang gagabay sa mga Calapeno sa pagsasagawa ng mga napapanahong paghahanda.

 

     Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng City Public Safety Department na pinamumunuan ni G. Nelson Aboboto sa Region IV-B Office of Civil Defense (OCD) na pinangungunahan naman ni Director Norma C. Talosig. Ang OCD ay isang sangay ng Department of National Defense na itinalaga upang pangalagaan at protektahan ang mga mamamayan sa bansa sa panahon ng gera at anumang uri ng biglaang sakuna.

 

      Naganap ang hasikdiwa palihan sa Anahaw Islang View Resort noong ika-15 hanggang ika-16 ng Oktubre at dinaluhan ng mahigit sa 20 mga partisipante mula sa iba’t ibang sector sa syudad ng Calapan. Ang Contingency Planning ay naglalayon ng makapagbalangkas ng isang epektibo  at angkop na plano o estratehiya na gagamitin upang mapaghandaan ang anumang sakuna at maging gabay sa operasyon kapag dumaranas na ng kalamidad. Dahil ang Calapan ay malimit na nakararanas ng malalakas na pagbagyo, pagbaha at panaka-nakang paglindol, ang kahandaan sa mga kalamidad na ito ang tinutukan ng pansin at tinalakay sa aktibidad maliban pa sa tsunami at kinatatakutang paglaganap ng sakit na bird flu. Bukod dito, tinalakay din ang mga paksang (1) identification of hazards and disasters in Calapan City and their effects; (2) instilling awareness of the Philippine Disaster Management System: its institutional and operational management; (3) mobilization of effective action and resources for emergency response; and (4) generation of commitment among parties to be involved in a coordinated manner before the emergency occurs.

 

     “Umaasa ako na sa pamamagitan ng seminar-workshop na ito, agarang matutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t higit sa panahon ng kalamidad.” banggit ni Mayor Doy sa kanyang mensahe.  Dagdag pa niya, wala ng mas magiging epektibo pa kundi ang pagiging handa bago pa man dumating ang sakuna.