Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 
Drayber At Pasahero Ng Motorsiklo Dapat Naka-Helmet Simula Nobyembre 5

Posted 10/25/2007

source: CIO Calapan City

        

    

     Sa kagustuhang mabawasan at tuluyang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada gamit ang mga motorsiklo, pagtitibayin muli ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Public Safety Department and Philippine National Police-Calapan City ang regulasyon sa paggamit ng full-faced helmet para sa  mga drayber at pasahero ng mga motorsiklo. 

 

     Ayon kay PSD Chief Nelson Aboboto, muling paiigtingin ang Resolution No. 241, City Ordinance No. 9 o may titulong “An Ordinace Regulating The Use of Motorcycles in the City of Calapan and for this purpose, Modifying Certain Provisions of Resolution No. 308 – Ordinance No. 96-08” bilang sagot sa nakakaalarmang bilang ng aksidenteng sangkot ang mga drayber ng motorsiklo na hindi nagsusuot ng full-faced helmet.

     Ayon kay Calapan- PNP chief Maj. Bonard Briton, may tala sila ng dalawang kaso ng aksidente kada araw na natatanggap dahil lamang sa hindi pagsusuot ng helmet.

 

     Ayon sa ordinansa,  inaasahan ang palagiang paggamit ng helmet para sa mga drayber ng motorsiklo at pasahero. Ipinaalala din ang restrisyon sa bilang ng pasahero kung saan bawat motorsiklo ay pinapayagan lamang na magsakay ng isang pasahero. At mga batang limang taon pataas lamang ang hinahayaang sumakay sa motorsiklo bilang pasahero.

 

     Alinman sa drayber at pasahero na susuway sa probisyon ay magmumulta ng P500.00 para sa unang paglabag, P1,000.00 para sa pangalawang paglabag, at P2,000.00 para sa pangatlo at susunod pang opensa. At kung hindi makakapagbayad ang lumabag, madsasagawa siya ng community service, 2 araw para sa unang opensa, 4 araw para sa pangalawang opensa, at 1 linggo para sa ikatlong opensa.

 

     Nakatakdang ipatupad ang ‘helmet ordinance’ sa Nobyembre 5.

 

     Ayon kay naman City Mayor Doy Leachon, ang ordinansang ito ay para sa interes ng kaayusan, kaligtasan at seguridad ng mga residente ng lungsod.