Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 
Unang 100 araw ni Mayor Doy ipinagdiwang ;  Apat na malalaking programa inilunsad

Posted 10/24/2007

source: CIO Calapan City

           

    

“Pagsusumikapan ng inyong Pamahalaang Lungsod na gawing mas mahusay ang mga serbisyo at programang aming ilulunsad para sa lahat ng mga Calapeño.”

 

Ito ang mga katagang binitiwan ni City Mayor Doy C. Leachon sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng kanyang unang isang daang araw bilang Punong Lungsod ng Calapan noong Oktobre 8, 2007 sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa harap ng New City Hall, Brgy. Guinobatan.

 

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga miyembro ng ng Sangguniang Panlungsod, Vice Mayor Raphael Infantado, mga opisyales ng 62 barangay  ng Calapan at mga biling bisita at panauhin. Sa nasabing gawain, inilahad ni City Mayor Leachon ang kanyang mga naisagawa nang mga pagbabagong panloob at reporma  sa Pamahalaang Lungsod. Kanya ring iniulat ang mga naisagawa nang mga programa at proyekto sa loob ng isang daang araw tulad ng mga serye ng jobs fairs, mga livelihood trainings, pagpapalawak ng mga programang pang-edukasyon gaya ng alternative learning system, pagbubuo at pagrereorganisa ng mga iba’t-ibang special bodies at councils at iba pang mga kahalintulad na programa.

 

Ngunit ang pinakamahalagang isinagawa noong araw na iyon ay ang paglulunsad ng apat na pangunahing programa na kanyang ipapatupad bilang paunang part eng Aksyon Agad People’s Agenda. Ang apat na salik at batayang programa ay ang Traffic Free City, Orderly Public Market, Garbage Free City at ang Sampung Minutong Serbisyo sa City Hall.

Isinagawa rin ang relaunching ng bagong website ng City Government of Calapan at ang inagurasyon ng Phil-Job Net Center. Nagkaroon din ng isang press conference kung saan hinarap ni City Mayor Leachon, City Administrator Antonio Perez Jr. at mga department heads na direktang nagpapatupad ng apat na programang nabanggit ang mga tanong ng mga miyembro ng media sa lungsod.