|
Sampung Minutong
Serbisyo para sa mga Calapeño
Frontline
Officers ng City Hall, sinanay
released: 9/26/2007
source: CIO
Bilang paghahanda sa paglulunsad ng
10-Minutong Serbisyo sa City Hall sa paggunita ng ika-100 araw ng
pamumuno ni City Mayor Doy C. Leachon, sumailalim sa pagsasanay
ang mga itinalagang “frontline officers” noong Setyembre 11
hanggang 12, 2007 sa Wil’s Diner, Lungsod ng Calapan.
Ang nasabing pagsasanay ay
pinamahalaan ng Human Resource Management Office sa pamumuno ni
Dr. Rene Colocar. Ang pagsasanay ay sumesentro sa mahalagang
gagampanan ng mga frontline officers sa programang magpapabilis ng
transaksyon at pagbibigay serbisyo sa City Hall.
Si G. Rius Anthony Agua ang
naimbitahan ng Pamahalaang Lungsod para magbigay ng karampatang
kaalaman sa mga frontline officers patungkol sa konsepto ng
“customer service” at tamang pakikitungo sa mga kliyente. Kasama
din na tinalakay sa nasabing pagsasanay ang personality
development, tamang pag-aayos sa sarili at pagkikintal ng mataas
na ethical standards sa mga ito.
Ayon kay Colocar, hindi biro ang
gagampanang papel ng mga “frontline officers” kaya nararapat
mabigayan sila ng karampatang pagsasanay at kaalaman. Sinimulan na
ang dry run ng nasabing programa noong ikatlong linggo ng
Setyembre.
Ang 10-Minutong Serbisyo sa City
Hall ay isa sa mga paunang programa ng Administrasyong Leachon sa
ilalim ng Aksyon Agad People’s Agenda. Layon nito na
mabigayan ng mabilis na serbisyo ang mga mamamayan sa pamamagitan
ng maayos, maagap at magalang na paglilingkod sa bawat opisina at
sangay ng Pamahalaang Lungsod.
|