Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

P100,000 halaga ng bagong uniporme ng mga tricycle drivers kaloob ni Mayor Doy

released: 9/26/2007

source: CIO

 

Bilang dagdag na ayuda at inspirasyon upang lalong makiisa ang mga tricycle drivers sa ipatutupad na “Aksyon Agad- Traffic Free City” sa Calapan, magkakaloob ng halagang P 100,000.00 si City Mayor Doy C. Leachon para sa bagong uniporme ng mga naturang drivers na susuotin mula Oktubre 8.

 

Ang nasabing inisyatiba ay naisip na ipagkaloob ng Punong Lungsod sapagkat alam niya na kakambal ng mga hinahangad niyang pagbabago at pag-unlad sa lungsod ay ang pagbibigay din ng tulong sa mga mamamayan na salat sa kabuhayan na maaapektuhan ng mga pagbabago.  Ang halaga ng bawat uniporme ay ibabawas sa kabuoang halaga ng renewal ng mga prangkisa ng mga tricycle na kanilang minamaneho.

 

Maliban sa nasabing ayuda, patuloy din ang isinasagawang paghahanda ng Public Safety Department (PSD) na pinamumunuan ni Mr. Nelson Aboboto para sa “Traffic Free City”. Noong nakaraang linggo ay sinimulan na ang paghahanda at ang malawakang information dissemination campaign sa lungsod upang ipaalam ang mga inaasahang pagbabago sa daloy ng trapiko. Isinagawa na ang 10-Minute Parking Policy sa kahabaan ng JP Rizal Street at kasalukuyang ipinatutupad na rin ang No Left Turn Policy.

 

Sa darating na ika-1 ng Oktubre, gaganapin na ang dry-run ng lahat ng mga pagbabago na nais ipatupad ukol sa daloy ng trapiko at sa ika-8 ng Oktubre ay pormal nang ilulunsad ang programa sa okasyon ng unang 100 araw ng pagiging Punong Lungsod ni  Mayor  Leachon.