Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

Ambulant vendors sa San Agustin St.,

bibigyan na ng sariling pwesto

released: 9/26/2007

source: CIO

 

Bibigyan na ng sariling pwesto ang humigit kumulang sa 300 na ambulant vendors mula sa San Agustin St. ng Pamilihang Lungsod ng Calapan upang masawata ang lumulubhang kondisyon ng trapiko alinsunod sa ipapatupad na programang Orderly Public Market at Traffic- Free City.  Layunin rin nito na tuluyan nang maiwasan ang mga pakalat-kalat na manininda sa mga lansangan ng nabanggit na lugar. Kasabay nito,  puspusan na ang isinasagawang plano ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon para sa  mabilisang paglilipat sa mga naturang manininda.  Base sa proyektong ipatutupad, sila ay ililipat sa bakanteng espasyo sa may kahabaan ng Aurora Blvd. at maaaring pagkalooban ng pwesto na may sukat na 1 metro kwadrado kada ambulant vendor. 

 

Dalawang buwang pinag-aralan ni City Trade and Industry Officer at bagong talagang Market Administrator Joey Benter ang sistema ng pamamaraan sa loob at labas ng palengke.   Dito, nakita niya ang mga problemang dapat agad ma-solusyonan at bigyan ng pansin. Kasama sa kanyang isinagawang mga istratehiya ng  pag-aaral ang serye ng konsultasyon sa mga asosasyon ng manininda sa palengke upang masiguro na magiging epektibo ang  iminumungkahing action plan base na rin sa partisipasyon na ipinakita ng iba’t ibang grupo na higit na makikinabang sa mga darating na pagbabago.

 

Kaakibat ng mapanghamong responsibilidad na iniatang ng alkalde kay Benter ang pagnanais na mailagay sa ayos ang buong palengke at upang higit na mapasigla sa merkado ang nasabing pamilihan. Nilinaw ni  Benter na magiging istrikto sila sa pagpapatupad ng mga karampatang ordinansa at sisiguruhin na paiiralin ang mga programang nilalayon ng Aksyon Agad ng Pamunuang Leachon.