Search

CIO ANNOUNCEMENTS

 

Aksyon Agad sa DWOM FM 105.5
every Wednesday, 7:30 - 8:30 AM

Inside Calapan
TV Net:
9:30-10:30 PM <Sat/Sun/Tue/Thur>
1:00-2:00 PM <Mon/Wed>

Calapan Cable:
7:00-8:00 PM <Mon/Wed/Fri>
3:00-4:00 PM <Sat/Sun>

 

AKSYON AGAD NEWS-PDF Form

 

Downloadbles:

 
   
   
     
     
     
     
     
 

Calapan gagawing ‘Garbage-Free City’

released: Sept. 27, 2007

source: CIO Calapan City



    Sa Aksyon Agad Program na isinusulong ng Administrasyong Leachon, mahalagang sangkap ang serbisyong pangkalikasan. Bibigyan ng bagong direksyon at katuparan ang mga programang magpapalakas ng turismo at magbubunsod ng sustinidong kaunlaran ng lungsod calapan habang iniingatan at pinangangalagaan ang kapaligiran at likas-yaman.

   ‘Garbage-Free City’ ang sagot ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon upang pagsamasamahin ang pagsisikap ng bawat mamamayan, paglalatag ng malawakang kampanya sa kalinisan, at maikintal sa isipan ng mga calapeño ang halaga at epekto ng pagkakaisa kontra basura.

   Ang ‘Garbage-Free City’ na pormal na ilulunsad sa unang 100 araw ng panunungkulan at isa sa Aksyon Agad Program ni Mayor Leachon ay patuloy na ipinatutupad sa pangunguna ni G. Wilfredo G. Landicho, hepe ng City Environment and Natural Resources Department.

   Ayon kay Landicho, pursigido ang Pamahalaang Lungsod na linisin ang buong Calapan—ibig sabihin, maibalik sa lupa at mapakinabangan ang biodegradable wastes at maibalik sa mga pabrika o ma-recycle ang mga basurang non-biodegradable.

   Matatandaan na pormal nang sinimulan sa 32 urban barangays ng lungsod ang tinatawag na “solid waste segregation at source” o ang paghihiwalay ng mga basurang bulok sa di-nabubulok mula pa lamang sa mga tahanang pinagmumulan ng mga ito. Nagkaroon ng schedule ng pagkolekta ng nabubulok na basura tuwing araw ng linggo, lunes, martes, huwebes at biyernes, 6:00 hanggang 7:00 ng umaga. Ang di-nabubulok na basura naman ay kinokolekta tuwing araw ng miyerkules at sabado sa pareho ding oras na nabanggit.

   Aniya, kawalan ng disiplina ng mga mamamayan mismo ng lungsod ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay di pa rin ganap ang tagumpay sa pagtugon sa problema sa basura sa lungsod.

   Puspusan ang isinasagawang massive education and information campaign ng mga kawani ng CENRD hinggil sa nasabing programa kaalinsabay ang pagpapatibay ng Barangay Waste Management Council sa lungsod para sa pag-oorganisa ng maayos at araw-araw na koleksyon ng basura, pagmimintina at pag-pagpapagana ng materials recovery facility (MRF), composting, at production ng organic fertilizer.

   Batid ni Mayor Leachon na mahalaga ang epektibong solid waste management mechanism kung kaya’t kasalukuyan pang pinag-aaralan ang mga taktika at estratehiya upang matagumpay na maipatupad ang integrated solid waste management program ng lungsod. Inaasahan na sa pamamagitan ng ‘Garbage-Free City’ patuloy na magiging maayos, malinis at luntian ang lungsod ng Calapan.